• Kapag tumatangu-tango nang marahan ang kausap mo habang nagsasalita ka, ibig sabihin ay hindi siya naniniwala sa sinasabi mo.
• Kung hinihipo niya ang kanyang mukha habang nagsasalita, may itinatago siyang impormasyon na hindi niya masabi.
• Kung nananatiling nasa bulsa ang kamay ng kausap mo, hindi siya komportable sa pakikipag-usap sa iyo.
• Kung maya’t maya ay inaayos ng isang tao ang kanyang suot na damit, sobra siyang conscious sa kanyang hitsura.
• Kung nakahawak sa kanyang puso ang isang tao habang nagkukuwento siya ng isang maemosyunal na sitwasyon, totoong nangyari ang kanyang ikinukuwento.
• Kung hinahawakan ng isang tao ang kanyang leeg habang nagsasalita, hindi siya komportable sa mga kaharap niya.
• Kung hinihipo niya ang kanyang buhok, nako-conscious siya sa kanyang sarili.
• Kung habang nagsasalita ay itinataas niya ang kanyang kamay habang nakabuka ang palad, katotohanan lang ang sinasabi niya.
• Kung ginagaya (unconsciously) ng iyong kausap ang body position mo, halimbawa: humalukipkip din siya pagkatapos mong humalukipkip, ibig sabihin interesado siya sa sinasabi mo at gusto ka niyang kausap.
• Kung nakatungo siya habang naglalakad, may tsansang insecure siya at walang tiwala sa sarili.