‘Bangka’
(PART 1)
NANGYARI ito noong dekada 70. Katatapos ko lamang ng high school. Ang ikinabubuhay namin ay ang pagbabangka. Ang aking ama ay bangkero sa ilog. Mula sa pagiging bangkero ay napag-aaral niya kaming apat na anak niya. Masipag si Tatay at kahit umulan at umaraw ay patuloy sa pagbabangka.
Nakilala si Tatay na mabait na bangkero at hindi lamang pagkita ng pera ang dahilan ng kanyang pagbabangka kundi gusto niyang tumulong sa mga taong tatawid sa ilog. Mahalaga kay Tatay na makatulong at pangalawa na lamang ang kikitaing pera.
Kung hindi sa bangka ni Tatay ay maraming mahihirapan sa pagtawid lalo na panahon ng tagbaha at tag-ulan.
Kahit kasi sa tag-araw ay malalim pa rin ang tubig sa ilog kaya kailangan ang bangka. Lampas tao ang lalim ng ilog.
May mga nangangahas na tawirin ang ilog pero may nalulunod.
Nang magkasakit si Tatay ako muna ang naging bangkero. Noon ay kaga-graduate ko lamang ng high school.
Inabot ako ng gabi sa bangkaan. Hanggang isang matandang babae ang maisakay ko.
(Itutuloy)
- Latest