Banda na nag-concert sa malalim na minahan, nakatanggap ng Guinness World Record!

ISANG banda sa Timmins, Ontario, Canada ang nakapagtala ng bagong Guinness World Record para sa titulong “Deepest Concert Underground” matapos silang tumugtog sa kailaliman ng minahang Kidd Mine.

Ang Miners & Sons ay nagtanghal ng kanilang set sa lalim na 8,086 feet and 11.31 inches below sea level.

Nalampasan nila ang naunang rekord na 6,213 feet, 3.05 inches na dating record ng bandang Shaft Bottom Boys sa Creighton Mine sa Sudbury, Ontario.

Ang Kidd Mine ay isa sa pinakamalalim na minahan sa mundo. Ayon sa banda, sobra silang proud sa kanilang mga sarili dahil ang Kidd Mine ay kilala lamang noon bilang isang lugar na pinagkukuhanan ng tone-toneladang rocks o mga bato, ngunit sa pagkakataong ito, ginamit ito bilang isang arena para sa kanilang rock music.

Show comments