^

Punto Mo

Lalaking nasagasaan ng ambulansiya, siningil para raw sa paghahatid sa kanya sa ospital!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG siklista sa Oregon, U.S.A. ang nagsampa ng kaso laban sa Columbia River Fire & Rescue matapos siyang mabangga ng isa sa ambulansya nito at kalauna’y siningil siya ng $1,800 sa paghahatid sa kanya sa ospital.

Noong Oktubre 27, 2022 biglang lumiko ang ambulansiya sa dinaraanan ni William Hoesch at nabangga siya. Nawasak ang bisikleta at nagkaroon siya ng injury sa mukha, kamay at balakang. Umabot sa $47,000 ang gastos niya sa pagpapagamot. Ang nakapagtataka pa, sinisingil pa siya ng Columbia River Fire & Rescue ng $1,800 bilang kabayaran daw sa pagdadala sa kanya sa ospital.

Naghahabol si Hoesch ng danyos na $900,000. Ayon sa Columbia River Fire & Rescue, isinangguni na nila ang kaso sa kanilang legal department at insurance carrier at hindi muna sila magbibigay ng komento.

HOSPITAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with