ISANG slice ng wedding cake nina Queen Elizabeth II at Prince Philip noong 1947 ang nabenta sa halagang £2,200 (katumbas ng P165,000) sa isang auction.
Bagaman hindi na ito makakain, ang 77-year-old na cake ay nakapreserba sa orihinal na kahon nito mula Buckingham Palace.
Ang slice ng cake na ito ay pagmamay-ari ni Marion Polson, isang dating tagapaglingkod ng royal family. Kalakip nito ay ang liham ng pasasalamat mula kay Queen Elizabeth II.
Ang wedding cake ni Queen Elizabeth II at Prince Philip ay may taas na 9 feet at may bigat na 500 pounds.
Pagkatapos ng wedding ay hinati ito sa 2,000 pieces para ipamigay sa mga bisita, tagapaglingkod at charity.
Ang slice ng wedding cake nina Queen Elizabeth II at Prince Philip na naibenta sa auction sa halagang £2,200.