Tungkol sa pagsisinungaling
• Base sa pag-aaral na ginawa ng University of Notre Dame Indiana U.S.A., pananakit ng ulo at laging tensiyonado ang mga taong laging nagsisinungaling. Hindi lang pala maganda sa kaluluwa ang pagsasabi ng katotohanan kundi pati sa kalusugan.
• Base naman sa survey na ginawa sa University of Minnesota, 52 percent ng mga psychotherapists ay nakakaranas na pagsinungalingan ng kanilang pasyente. Nahihiya ang mga pasyente sa kanilang therapist dahil natatakot silang mahusgahan.
• Mas maraming kasinungalingan ang nasasabi ng isang tao kung nagsusulatan or nagte-texting lang sila ng kausap kaysa kapag magkaharap sila—face-to-face.
• Ayon sa psychological research study na ginawa noong 1985, nahihirapang magsinungaling ang isang tao kapag ang kausap niya ay opposite sex na may hitsura.
• Maikling pangungusap lang ang ginagamit kung ang tao ay nagsisinungaling.
• Sa isang pag-aaral na ginawa tungkol sa ugaling pagsisinungaling ng teenagers: a) Mas magaling magsinungaling ang matatalino. b) Ang mas matandang teen-ager ay mas magaling magsinungaling kaysa mas bata sa kanila.
• Mga 91 percent ng kababaihan ang nagsabing, habang tumatanda ay lumalaki ang tiwala nila sa sarili kaya nababawasan na ang bilang ng kanilang pagsisinungaling.
- Latest