‘Kandila’ (Part 6)
DALI-DALI kong kinuha ang payat na kandila na nakabalot sa pulang tela. Ibinigay ko kay Lola Feliza.
“Ito nga ang masuwerteng kandila!” sabi ni Lola habang iniinspeksiyon ang kandila.
“Alam mo ba Freddie na matagal ko nang inaasam na magkaroon ng ganitong kandila? Sa loob nang maraming taon na pag-iingat ko ng mga kandila ay wala ni isa mang napasama na katulad nito. Bihira ang ganitong kandilang itim at nagiging masuwerte ang naghahawak nito. At ikaw ang masuwerteng yun, Freddie.’”
“Pero ba’t ako Lola? Di ba’t ikaw ang bumili ng mga kandila kaya ikaw dapat ang mag-ani ng suwerte?’’
“Aba hindi! Kung sino ang nag-aalaga sa mga kandila yun ang susuwertehin at ikaw yun. Napakasinop mo at responsible kaya sa iyo nagpakita ang kandilang ito!’’
“Ano po ang mangyayari sa akin?’’
“Basta itago mo ito nang maayos. Huwag hayaang maputol at daratnan ka nang sunud-sunod na suwerte. Kahit wala na ako sa mundo, huwag mong pababayaan ang Kandilang ito.’’
“Opo Lola.’’
Namatay si Lola nang makatapos ako ng high school. Maraming nakipaglibing. Nalungkot sila dahil nawala na ang nag-iisang manggagamot. (Itutuloy)
- Latest