‘Kandila’ (Part 4)

Habang inaayos ko ang mga itim na kandila, mayroon akong napansin sa isa sa mga ito. Mas maliit o payat ito kaysa sa iba pa.

Inihiwalay ko ang payat na kandila sa karamihan. Baka nagkamali lang ang binilhan ni Lola Feliza at nasingitan ng payat na kandila.

Ininspeksiyon ko naman ang mga puting kandila. Baka may payat din doon ay kailangang ihiwalay.

Pero pare-pareho ang size ng mga puting kandila. Tanging sa itim nagkaroon ng payat na kandila.

Para hindi ako magkamali na madampot ang payat na itim na kandila, binalot ko ito sa pulang panyo na ginagamit ni Lola kapag may ginagamot.

Pagkatapos balutin ay nilagay ko sa kahon ng sapatos.

Hindi ko sinabi kay Lola ang tungkol sa payat na kandila. Nalimutan ko nang sabihin dahil marami rin akong inaasikaso. Marami akong assignment sa school. Saka ko na lang sasabihin kay Lola ang tungkol dun.

Hanggang may tinanong sa akin si Lola isang Biyernes matapos siyang manggamot.

Hindi ko inaasahan ang sinabi niya.

(Itutuloy)

Show comments