Isang watchmaker sa Russia ang nakagawa ng pinakamanipis na relo sa buong mundo!
Ang ThinKing, isang obra ng Russian watchmaker na si Konstantin Chaykin, ay kinilala bilang pinakamanipis na mechanical wristwatch sa mundo sa kapal na 1.65 mm lamang.
Ang relo ay bunga ng paligsahan sa industriya ng horology kung saan nagtatagisan ang mga kilalang brand upang makagawa ng pinakamanipis na relo.
Dinisenyo ang ThinKing gamit ang mga makabagong teknolohiya tulad ng ultra-thin winding barrel at double-balance wheel system, na hindi lamang nagpanipis kundi nagpagaan dito sa bigat na 13.3 gramo.
Gawa ito sa stainless steel na kayang matagalan ang pressure ng araw-araw na pagsusuot. Gawa ang strap nito sa alligator leather na may titan at elastic inserts para protektahan ang relo.
Ayon sa nag-imbento nito, ang ThinKing ay patunay na patuloy na pag-unlad at pagiging innovative ng industriya ng mga relo.