‘Kandila’ (Part 3)

Inaayos kong mabuti ang mga kandila na ginagamit ni Lola Feliza sa kanyang panggagamot. Ayaw ni Lola na may mababali sa mga kandila. Natatandaan kong sabi ni Lola, kapag may bali ang kandila ay walang bisa kapag ginamit niya.

“Freddie, ingatan mong may mabali sa mga kandila ha?’’ sabi ni Lola sa mababang tinig. Mabait si Lola at kahit kailan ay hindi ko nakitang nagalit. Kahit pa nakagawa ng kasalanan ang dalawa kong pinsan na sina Bino at Oskee ay malumanay pa rin itong kinakausap ang dalawa. Sina Bino at Oskee kasi ay nahihilig sa basketball kaya napapabayaan kung minsan ang toka nila kapag nanggagamot si Lola kapag Biyernes.

Si Bino ang nagtatago ng langis ng niyog at si Oskee naman ang kumukuha ng mga dahon ng alagao at sambong.

“Kaya ikaw ang pinagtatago ko sa mga kandila ay dahil alam kong masinop ka,’’ sabi ni Lola sa akin.

Dahil sa pagtulong namin kay Lola sa panggagamot nito ay lagi kaming binibigyan ng allowance sa school. Itinatago ko ang binibigay ni Lola. May alkansiya ako.

Isang araw na inaayos ko ang mga kandila, may napansin ako sa itim na kandila.

(Itutuloy)

Show comments