^

Punto Mo

‘Kandila’

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

(PART 2)

TATLO kaming magpipinsang lalaki na nakatira sa lumang bahay ni Lola Feliza habang nag-aaral ng high school. Nag-iisa na si Lola Feliza sapagkat namatay na si Lolo Fernando, dalawang taon na ang nakararaan.

Bukod sa manghihilot ay marunong ding manggamot ng mga nagagaway o nakukulam si Lola Feliza. Hindi siya tumatanggap ng bayad—abuloy lang na kahit magkano. Ang walang-wala ay hindi na pinagha­hanapan ni Lola Feliza. Katwiran ni Lola, ibinigay ng Diyos nang libre ang kanyang kaalaman sa panggamot kaya ibibigay din niya nang libre.

Kaming tatlong magpipinsan ang naging assistant ni Lola sa kanyang panggagamot.

Bawat isa sa amin ay may nakatokang gagawin. Sa pinsan kong si Bino ay ang pagtatago sa langis ng niyog na ginagamit sa paghihilot. Nakalagay ang langis sa mga garapa.

Sa pinsan kong si Oskee ay ang pagkuha sa mga dahon ng sambong at iba pa na ginagamit pampausok.

At sa akin natoka ang pagtatago sa mga kandila. Iba’t iba ang kulay ng kandila ni Lola. Pinakamarami ang itim na kandila.

Inaayos ko ang mga kandila sa lumang baul. Nakasalansan ang mga iyon ayon sa kulay.

(Itutuloy)

vuukle comment

KARANASAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with