‘Kandila’

(PART 1)

NANGYARI ito noong 1974 na ako ay nasa high school pa sa probinsiya. Ako at ang aking dalawang pinsan ay sa bahay ng aking lola sa bayan nakatira. Ang aming bahay ay nasa malayong barangay kaya kailangang tumira kami sa bahay ni Lola. Gusto rin naman ni Lola na sa bahay niya kami tumira dahil wala na siyang kasama. May isang taon nang namamatay si Lolo.

Si Lola ay marunong manggamot ng mga kinatutuwaan ng lamanlupa at nanggagamot din ng mga nakukulam o nagagaway. Tuwing Biyernes ay may mga taong nagpupunta sa bahay ni Lola para magpagamot. Hindi humihingi ng bayad si Lola. Kusa ang pagbibigay ng mga nagpapagamot. Gusto lang makatulong ni Lola sa mga tao.

Dahil dumarami ang nagpupuntang tao kung Biyernes ay kinailangan na tulungan naming magpipinsan si Lola sa ginagawa nitong panggagamot.

Sa akin pinamahala ni Lola ang pag-aayos sa mga ginagamit na kandila. Maraming nakatagong kandila si Lola—karamihan ay itim!

(Itutuloy)

Show comments