EDITORYAL - Mga ganid na negosyante isumbong

Tinatayang 7,953,766 katao ang naapektuhan ng magkasunod na mga Bagyong Kristine at Leon, ayon sa National Disaster Risk, Reduction Management Council (NDRRMC). Ang bilang ng mga namatay sa Bagyong Kristine ay 150 at 30 ang nawawala. Wala namang naiulat na namatay sa Bagyong Leon subalit nag-iwan ito nang malaking pinsala sa mga ari-arian sa Batanes at Cagayan Valley.

Napinsala rin ng Bagyong Kristine ang mga probinsiya sa Calabarzon kung saan may mga namatay nang bumaha at gumuho ang lupa sa Agoncillo at Laurel, Batangas. Maraming nasirang kalsada at tulay sa Laurel.

Maraming umiyak sapagkat wala silang nailigtas sa kanilang mga gamit dahil sa mabilis na pagbaha. Tanging suot lang nila ang naiwan sa kanila. Hindi nila alam kung paano magsisimula. Hindi rin nila alam kung paano maitatayo ang mga bahay na sinagasaan ng baha at naguhuan ng lupa.

Ang pagtama ng kalamidad ang inaabangan ng mga gahaman at mapagsamantalang negosyante. Dito sila kumikita nang maraming pera sa pamamagitan ng pagtataas ng presyo sa mga pangunahing bilihin gaya ng bigas, gatas, asukal, sardinas, noodles at maski ang mga materyales para sa paggawa ng bahay. Ito ang magandang pagkakataon para mamutiktik ang kanilang mga bulsa sa dami nang kikitaing pera. Hindi na nila iniisip ang dinaranas na hirap ng mga kababayan. Hindi na nila ito nakikita sapagkat ang nananaig ay pagkita ng pera.

Tiyak maglulutangan o naglutangan na ang mga mapagsamantala at kahit pa nagbanta ang Depart­ ment of Trade and Industry (DTI), hindi sila natata­ kot at lalo lamang ipagpapatuloy ang pagsasamantala sa mga kawawang biktima ng bagyo.

Isang araw makaraang manalasa ang Bagyong Kris­ tine, agad silang nag-isyu ng 60-araw na price freeze sa mga pangunahing bilihin gaya ng sardinas, noodles, gatas, kape, tinapay, sabong panlaba, mantika, bottled water at iba pa. Hindi binanggit ng DTI kung kasama sa price freeze ang mga materyales sa paggawa ng bahay gaya ng semento, hollow block, kahoy, yero, pako at iba pa.

Ayon sa DTI, ang mga negosyanteng mahuhuli nila at mapatutunayang nagsamantala ay makukulong ng 10 taon at pagmumultahin ng mula P5,000 hanggang P1 milyon. Hinikayat ng DTI ang mamamayan sa mga napinsalang lugar na ireport ang mga mapagsaman­ talang negosyante.

Dapat magkaroon ng hotline number ang DTI para makatawag agad ang mamamayan at maireport ang mga negosyanteng mapagsamantala. Hindi dapat palampasin ang mga gahaman

Show comments