^

Punto Mo

Ang arithmetic at si Nanay

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Math class ng mga kindergarten. Fraction ang lesson nila kahapon kaya nirerebyu ulit ito upang matesting kung natatandaan pa ng mga bata ang past lesson. Tinawag ni Titser si Jon.

“May isang buong cake sa inyong bahay. Hinati ni Nanay sa apat ang cake. Ang kakain ng cake ay si Tatay, si Nanay, si Kuya at ikaw. Ilan hati ng cake ang mapapapunta sa iyo?”

“Dalawang hati po o one-half.”

“No, no Jon. Now, pay attention. Apat kayong kakain, tapos may apat na hati ang cake. Naintindihan mo ba ang lesson natin sa fraction kahapon?”

“Yes Mam, naiintindihan ko po. Pero kapag may masarap na pagkain sa aming bahay kagaya ng cake na paborito ko, hindi po kumakain ang aking nanay. Sasabihin niya: ‘Hindi ako kumakain ng cake, ‘yung hati ko, kay Bunso na lang.’ Ako po ang bunso. Kaya nagiging onehalf po ang aking share. Minsan po tinanong ko si Nanay, ‘bakit po laging hindi ka kumakain ng mga pagkaing gustong-gusto namin ni Kuya?’ Hindi sumagot si Nanay, ngumiti lang siya at masuyo akong hinalikan.

Napatango na lang si Titser sa sagot ni Jon. Naunawaan na niya. Nagugulo talaga ang arithmetic dahil sa mapagbigay na puso ng mga nanay

MATH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with