Lalaki na mabilis magtalop at maghiwa ng pinya, nakatanggap ng Guinness Record!

ISANG lalaki mula California ang nagpakita ng pagmamahal sa kanyang paboritong prutas sa pamamagitan ng pag-break sa Guinness World Record­ title na: “Fastest Time to Peel and Slice a Pineapple”.

Sa kanyang record attempt, nagsuot si Rich Ellenson ng damit at shorts na may disenyong pinya kung saan nakapagtala siya ng record na 17.85 seconds. Ang record ni Ellenson ay halos 10 seconds na mas mabilis kumpara sa nakaraang rekord na 27.07 segundo.

“Mahilig ako sa pinya,” sinabi ni Ellenson sa Guinness World Records. “Ito ang paborito kong prutas. Tuwing katapusan ng linggo, bibili ako ng tatlo at kakainin ang isa sa loob ng isang upuan.”

Sinabi ni Ellenson na inabot siya ng walong attempt bago ma­tagumpay na ma-break ang rekord.

Show comments