^

Punto Mo

Mayang (36)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NANANAGINIP ba siya o lasing na?

Lumapit si Puri sa kanya. Malapit na malapit. Nakatitig si Puri sa kanya.

“Marami ka pang makikitang babae na mas maganda pa kaysa kay Mayang, Jeff. Imulat mo ang mga mata mo sa katotohanan. Hindi ka na mahal ni Puri. Mayroon na siyang iba.’’

Ilang beses nang narinig iyon ni Jeff kay Puri. Parang ipinagdiriinan na wala na talagang magagawa pa para kay Mayang kundi kalimutan ito. Humanap na lamang siya ng iba!

“Naaawa ako sa’yo Jeff. Hanap ka nang hanap sa babaing wala nang pagmamahal sa iyo. Dapat mag-isip ka. Iwaksi mo na si Mayang sa isip mo! Wala na siya! Mayroon na siyang mahal na iba! May anak na nga siya! Marami pang babae ang magkakagusto sa iyo!’’

Nawawala na ang pagkalasing ni Jeff sa paulit-ulit na sinasabi ni Puri. Nagbabalik na ang kanyang diwa.

“Mahal ko si Mayang. Kaya naman ako nawala at iniwan siya ay dahil gusto kong kumita nang malaki para sa aming kinabukasan. Yun ang dahilan kay nagsikap ako. At nagtagumpay naman ako. Nakaipon na ako nang malaki para sa aming hinaharap. Maski nga hindi na ako bumalik sa New Zealand—kaya na naming mabuhay nang matiwasay at marangya. Marami akong naipon sa maraming taon ko sa New Zealand.”

Sa mga sinabi ni Jeff ay tila natulala si Puri. Diyata at maraming pera si Jeff. Nagahaman si Puri! Lalong sumidhi ang pagnanais kay Jeff.

“Ano ba ang nagustuhan mo kay Mayang?’’

“Basta mahal ko siya. Kakaibang babae siya!’’

“Kakaiba rin naman ako.”

Napailing si Jeff.

“Iba si Mayang—bihira ang katulad niya.

Nahamon si Puri.

Tinanggal ang nakabalot na towel sa katawan at nilantad kay Jeff.

Hindi makahuma si Jeff. (Itutuloy)

 

MAYANG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with