ISANG elementary school student sa U.S. ang nakapagtala ng world record matapos makapagtanghal ng sarili niyang fashion show.
Si Max Alexander ay isang pitong taong gulang na fashion designer mula Denver, Colorado, na nakapagtala ng Guinness World Record sa titulong: “Youngest Person to Design a Runway Show”. Naganap ang fashion show ni Max noong 2023 sa Denver Fashion Week.
Mula pa noong apat na taong gulang, nagpakita na si Max ng hilig sa pananahi at pagdidisenyo, na nagbigay-daan upang mabuo ang kanyang sariling fashion show. Bilang batang designer, nakaabot na rin si Max sa international fashion scene at nakatanggap na rin siya ng mga kliyente na sikat na Hollywood personalities, isa na dito ang aktres na si Sharon Stone.
Sa kasalukuyan, mayroon siyang mahigit three million subscribers sa Instagram.
Ang pitong taong gulang na fashion designer na si Max Alexander.