^

Punto Mo

Psychology facts

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Ang taong inuunang maligo sa umaga ay mas produktibo, alerto at creative.

• Alinman sa dalawang dahilan kung bakit hindi makatingin nang diretso ang isang tao sa iyo: 1) may itinatago siyang kasinungalingan sa iyo; o 2) may itinatago siyang pagtingin sa iyo.

• Ang taong magaling manamit ay may kumpiyansa sa kanyang sarili at maligaya ang kanyang buhay.

• Ang pinaka-toxic na gagawin mo sa iyong sarili ay maki­pagbalikan sa iyong ex na nagtaksil sa iyo. Parang inulit mong basahin ang isang nobela kahit alam mo naman malungkot ang naging ending nito.

• Mga 95 percent ng mga lalaki ay nakikipag-text sa kanilang kabit habang nakaupo sa trono (toilet bowl). Iyon lang kasi ang lugar na “safe” para hindi mahuli ni Misis.

• Ang pagyakap sa iyong partner pagkatapos magtalik ay nakakatanggal ng stress, nakakapagpasaya ng puso at nakakahaba ng buhay.

• Kapag babae ang unang nagparamdam na may gusto siya sa lalaki, may 86 percent na tsansang sila ang magkatuluyan.

• Ang paghalik sa partner ay mas mahalaga sa isang maligayang relasyon kaysa sex.

• Tatlong dahilan kung bakit iniiwan ni Mister si Misis sa kabila ng maraming taon nilang pagsasama: 1) Lagi siyang kinokontrol ng misis niya 2) Naging “sexless marriage” ang kanilang pagsasama 3) Paulit-ulit na lang ang dahilan ng kanilang pag-aaway.

• Kapag may taong nagpapantasya sa iyo “sexually”, madadama mo ang presence niya kahit pa malayo siya sa iyo.

vuukle comment

PSYCHOLOGY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with