1. Dapat ay bagong biling itim na damit ang isusuot ngunit lumang sapatos ang gagamitin. Ang nagpauso ng pagsusuot ng itim na damit sa pag-attend ng funeral ay ancient Romans. Pero ang ídeya na dapat ay bagong bili ang black cloth ay pinauso naman ng mga mayayaman mula sa Victorian era o panahon ni Queen Victoria. Ngunit ang sapatos na susuutin ay dapat na luma dahil mamalasin daw kapag nagsuot ng bagong sapatos.
2. Hindi dapat umatend sa memorial services ang buntis. Ang pamahiing ito ay nagmula sa iba’t ibang kultura mula ancient Jewish at Christian traditions. Kapag tiningnan ng buntis ang nakahimlay na patay sa kabaong, maaaring ang sanggol na ipinagbubuntis ay maagas o makaranas ng kamalasan. Ang isa pang paniwala ay baka saniban ng kaluluwa ng patay ang fetus sa sinapupunan.
3. Ang pallbearers (tagabuhat ng kabaong) ay dapat nakasuot ng guwantes. Ito ay nakaugalian na simula nang Victorian era. Hanggang ngayon ay ginagawa pa rin ito sa ibang bansa. Kailangang nakaguwantes upang hindi direktang makapasok ang kaluluwa ng namatay sa katawan ng pallbearers.
4. Bawal magbilang ng kotseng kasama sa funeral procession. Kung ilan ang kotseng nabilang ay iyon ang number of days na itatagal ng buhay ng taong nagbilang ng kotseng dumaang kasama sa funeral procession. Ngunit maiiwasan ang kamatayan kung hahawakan mo ang butones ng iyong damit at mananalangin na hindi ka tatablan ng pamahiin.
5. Dapat ay bagong bili ang pamburol ng yumao o kung luma, dapat ito ay pag-aari ng mismong yumao. Iwasang ipasuot ang damit ng buhay na tao. Habang naaagnas ang katawang lupa ng yumao, unti-unting manghihina rin ang katawan ng buhay na tao na may-ari ng damit na ipinamburol hanggang sa siya ay mamatay. Nag-originate ang pamahiing ito mula sa Western countries bago mauso ang cremation.