‘Alulong’

(PART 4)

DALAWANG beses nang nagkatotoo na kapag umaalulong ang aso ay may namatay na mahal sa buhay o malapit na kamag-anak. Una ay ang aking lolo at lola na nasunog at ikalawa, ang aking uncle na seaman.

Makalipas ang limang buwan, muli na naman naming narinig ang alulong ng aming asong si Blackie. Dakong alas dose ng hatinggabi nang umalulong si Blackie.

Kinabahan ako. Sino na naman ang namatay? Dasal ako nang dasal na hindi totoo. Nagkataon lang ang pag-alulong ni Blackie.

Kinabukasan, isang malungkot na balita ang aming natanggap. Isa kong pinsang lalaki ang hinoldap at sinaksak. Dead on arrival sa ospital.

Iyak ako nang iyak dahil malapit kami sa isa’t isa ng pinsan ko.

(Itutuloy)

Show comments