(PART 3)
KINABAHAN ako nang pagkaraan ng dalawang buwan ay muling umalulong ang aming aso sa disoras ng gabi.
Nagsimula ang pag-alulong dakong alas onse ng gabi na natapos ng alas singko ng umaga.
Hindi ako nakatulog sapagkat kung anu-ano ang mga pangyayari ang pumapasok sa isipan ko. Sino ang namatay sa aming pamilya?
Nasa isipan ko, sa pag-alulong ng aso, tiyak may namatay. Yun ang naiisip ko.
Kinaumagahan, isang malungkot na balita ang aming natanggap. Ang kapatid ni Papa na isang seaman ay natagpuang patay sa cabin. Hinihinalang pinatay dahil basag ang bungo.
Binata ang uncle ko at mabait. Malaki ang naitutulong sa pamilya dahil malaki ang kita sa pagbabarko.
Natatandaan ko na kapag umuuwi si Uncle ay maraming pasalubong sa amin.
Sa imbestigasyo, kasamahan ni Uncle ang pumatay. May utang kay Uncle. Sinisingil ni Uncle at nagkasagutan.
(Itutuloy)