Bagong tuklas na uri ng ahas, ipinangalan kay Leonardo Dicaprio!

ISANG bagong uri ng ahas na may matutulis na ngipin ang natuklasan sa Western Himalayas ang ipinangalan sa aktor na si Leonardo DiCaprio bilang pagkilala sa kanyang adbokasiya sa kalikasan.

Ang Anguiculus dicaprioi, o “DiCaprio’s Himalayan snake,” ay may kakaibang mga kata­ngian tulad nang malala­king butas ng ilong, maraming ngipin at kulay tanso na kaliskis na tila may “collar” na kulay gray sa leeg. Ang naturang ahas na may habang 22 pulgada ay natuklasan noong 2020 sa Nepal at Himachal Pradesh, India. Natuklasan na kaya nitong mabuhay sa mataas na altitude. Ang pangalan nito ay pagpupugay sa aktibong kampanya ni DiCaprio laban sa global climate change at biodiversity loss, na sinimulan niya noong kanyang kabataan.

Show comments