Paano basahin ang pagkatao

Sa kanyang pagngiti

• Makikita ang sinserong ngiti kung may makikitang kulubot sa paligid ng mata at lips. Kulubot lang sa lips ang nakikita sa pilit na ngiti.

Sa pakikipagkamay

• Ang strong amd firm handshake ay nagpapahayag na ang isang tao ay sociable at sinasabi niya ang kanyang saloobin kung kinakailangan ng sitwasyon.

• Kung inabot niya at kinamayan ang dalawang kamay ng kaharap, mayroon siyang pabor na hihingiin or may importante siyang mensaheng sasabihin.

Kapag nambabati

• Kung inilalagay niya ang kanyang kamay sa balikat o likod ng taong binati niya, alinman sa dalawa—gusto niya ang pagkatao ng binati niya o mahilig siyang magpaikot ng tao.

Kapag nasa dinner table

• Kung hinihiwa niya sa maliliit na piraso ang kanyang pagkain bago isubo, ang gusto niya ang long-term relationship. Gusto rin niyang tumakbo ang kanyang buhay ayon sa kanyang mga plano.

• Kung pinaghahalu-halo niya ang lahat ng kanyang pagkain sa pinggan kahit pa iba’t iba ang lasa nito, may strong personality siya. At kahit anong dami ng trabaho o responsibilidad ang ibigay mo sa kanya, tatapusin niya iyon sa itinakdang deadline. (Itutuloy)

Show comments