‘Tutubi’ (Last part)

NANG ibagsak ng nilalang na mukhang tutubi at tao ang matalim na espada sa katawan ko ay napasigaw ako nang malakas. May echo pa ang pagsigaw ko.

Ahhhhhhhhhh!

Hanggang sa maramdaman ko ang tila ay pagsampal sa pisngi ko.

Nang imulat ko ang aking mga mata, ang mukha ni Tatay at Nanay ang nakita ko. May pulis at barangay tanod akong nakita.

Anong nangyari?

Bakit nagkakagulo sila?

“Lino! Lino!’’ tawag sa akin ni Tatay.

“Po!’’

At sa pagsagot ko ay biglang napahagulgol ng iyak si Nanay. Niyakap ako.

Tatlong araw na raw akong nawawala. Hinanap kung saan pero narito lang daw ako sa malalagong damo at natutulog.

Ikinuwento ko ang nangyari at hindi sila makapaniwala.

Pinaglaruan daw ako ng engkanto.

Mula nun, hindi na ako nanghuli ng tutubi. Nagkaroon ako ng aral.

Show comments