Napulot na kuting, natuklasan na isa itong European wildcat!

Isang inakalang ligaw na kuting ay natuklasan na isang mabangis na hayop!

Dinala ng isang concerned citizen ang isang kuting sa Bergheim Animal Shelter sa Germany matapos itong mapulot sa isang kalsada. Ayon sa nakapulot nito, nais sana nitong ampunin ang kuting ngunit natakot ito dahil sa hindi pangkaraniwan ang agresibo nitong pag-uugali.

Naghinala ang mga staff ng shelter na hindi ito pangkaraniwang pusa at nakipag-ugnayan sila sa Retscheider Hof wildlife center. Matapos suriin ang kuting, kinumpirma na isa itong European wildcat, isang protected specie sa Germany.

Sa kasalukuyan, nasa pangangalaga ng naturang wildlife center ang wildcat at kapag lumaki na ito ay saka pakakawalan sa kagubatan.

Show comments