Mayang (28)

Naglalakad sa Avenida si Jeff isang hapon. Nang tumawid siya sa kanto ng Recto at Avenida, isang babaing nakatalikod at naglalakad ang nakita niya. Katulad na katulad ang pangangatawan kay Mayang. Seksi rin. Pati ang paglalakad ay kapareho. Pati ang haba ng buhok.

Bumilis ang tibok ng puso niya. Si Mayang kaya ito?

Nagmadali siya sa paglakad para habulin ang babae. Nang maabutan ay kinublit niya sa braso.

“Mayang!” tawag niya.

Tumigil ang babae at lumingon kay Jeff.

“Ano po yun?’’

Napaatras si Jeff. Hindi si Mayang ang babae! Nagkamali siya!

“Sori Miss! Akala ko si Mayang ka!’’

Sumimangot ang babae at saka nagpatuloy sa paglalakad.

Napakamot sa ulo si Jeff. Akala talaga niya ay si Mayang. Kamukhang-kamukha kapag nakatalikod!

Siguro ay epekto ng pag-iisip niya kay Mayang kaya lahat nang babae na makita ay nakakamukha nito. Masyado na siyang problemado.

(Itutuloy)

Show comments