HINDI ko namalayan na nasa tabing sapa na ako at dun nanghuhuli ng mga tutubing karayom na iba’t iba ang kulay. Mas marami palang tutubi sa tabing sapa kaysa sa dinadaanan namin pauwi galing sa eskuwela. Dito kumpul-kumpol ang mga tutubi.
Naglakad pa ako nang naglakad dahil sa pagsunod sa maraming tutubing karayom. Hanggang sa hindi ko na makita kung saan ako nanggaling.
Ganunman, nagpatuloy ako sa pagsunod at paghabol sa mga tutubi na iba’t iba ang kulay. Noon lamang ako nakakita ng ganun kagandang kulay ng mga tutubi. May kulay ginto ang pakpak at mayroong pulang-pula!
Ang pinagtataka ko ay kung bakit hindi ako makahuli kahit isa sa mga tutubi. Maliksi at para bang may mga isip na kapag huhulihin ko ay lumilipad.
Hanggang sa makita ko na pumasok ako sa isang kuweba. Madilim pero naaaninag ko ang dinaraanan.
Nagpatuloy ako sa pagpasok sa kuweba. (Itutuloy)