^

Punto Mo

Mayang (25)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“DINALAW ako ni Maria o Mayang ilang buwan na ang nakalilipas. Matagal din kaming nag-usap,’’ sabi ni Mam Araceli. Mahinahong magsalita si Mam Araceli. Halatang mabait na guro.

“Sinabi po ba niya kung saan siya nakatira Mam?” tanong ni Jeff.

“Hindi.’’

“Wala po ba siyang nasabi?’’

“Hindi naman kasi ako nagtatanong kung saan siya nakatira. Isa pa’y natuwa kasi ako dahil bigla na lamang siyang sumulpot dito. Ipinagtanong daw niya ang tirahan ko sa aking mga dating kasamahan sa school. Alam mo, nag-early retirement ako dahil nagpapagamot ako. May breast cancer ako at kasalukuyang nagpapa-chemo.’’

“Sabi nga po sa akin sa school na pinagturuan mo Mam—nag-retire na nga raw poi ikaw.’’

“Ah nagtungo ka pa sa probinsiya at hinanap ako?”

“Opo.’’

“Malayo yun ah! Mabuti at di ka naligaw?’’

“Hindi naman po.’’

“Paano mo naman nalaman na nagtuturo ako roon?’’

“Nabanggit po sa akin ni Mayang noon pa. Bago lamang po kaming nagkakilala sa Dubai. Natandaan ko po ang pangalan mo dahil madalas kang banggitin sa akin ni Mayang. Sa totoo lang po Mam, nagbakasakali lang po ako na hanapin ka. Tanging ang natandaan ko na nasabi ni Mayang ay Mrs. Araceli. Ang ginawa ko, nag-search ako sa FB at lumabas na nagtuturo ka nga sa public elementary school.’’

Napatangu-tango si Mam Araceli.

At saka napatitig kay Jeff.

“Ano talaga ang sadya at hinanap mo ako? Anong nangyari sa inyong dalawa ni Maria? May nagawa ka bang mali sa kanya?’’

Hindi nakapagsalita si Jeff. Parang nahuhulaan ni Mam Araceli ang mga nangyari sa amin ni Mayang. (Itutuloy)

vuukle comment

MAYANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with