Babae na nakain nang paisa-isa ang mga butil ng kanin gamit ang chopsticks, nakatanggap ng Guinness Record!

ISANG babae sa Bangladesh ang nakapagtala ng world record dahil sa kakayahan na mabilisang pulutin paisa-isa at kainin ang butil ng kanin gamit ang chopsticks. Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na si Sumaiya Khan ang pinakabagong record holder ng titulong “Most Rice Grains Eaten in One Minute Using Chopsticks”.  Ito ay matapos siyang makakain ng 37 na butil ng kanin gamit ang chopsticks sa loob ng isang minuto.

Natuklasan ni Khan ang kanyang talento nang napansin ng kanyang ka­opisina ang angkin niyang bilis sa pagkain ng kanin at iminungkahi nito na maaari niyang ma-break ang record na dati ay nasa 27 grains lamang.

Ayon kay Khan, natuto siyang mag-chopsticks dahil sa hilig niya sa panonood ng Korean dramas.

Show comments