^

Punto Mo

Mayang (24)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

LUMA na ang apartment na malapit sa MLQU sa Hidalgo St. Pantay tao ang ang bakal na gate na kinakain ng kalawang. Sinipat ko sa siwang ng bakal kung may tao sa loob ng apartment. May nakita akong tao sa loob na nakaupo.

Kumatok ako sabay “tao po!’’

Maya-maya may lumabas na dalagita.

“Ano po yun?’’

“Ne dito ba nakatira si Mrs. Araceli?’’

“Opo. Lola ko po siya.’’

“Nandiyan ba siya?’’

“Opo. Bakit po? Ano pong kailangan mo sa kanya?’’

“Ako si Jeffrey, kaibigan ako ng dating estudyante ni Mrs. Araceli. Puwede ko ba siyang makausap? Importante lang.’’

“Pasok po. Halika po rito sa loob.’’

“Salamat ‘Ne.’’

Binuksan ng dalagita ang gate at pumasok si Jeff.

“Halika po sa loob. Nasa salas po si Lola.’’

Sumunod si Jeff sa dalagita.

“Lola may naghahanap sa’yo,’’ sabi ng dalagita nang makapasok sa bahay.

“Sino?’’

“Jeff daw.’’

“Papasukin mo.’’

Nagbalik ang dalagita sa may pinto.

“Pasok ka po Mang Jeff.’’

Pumasok si Jeff.

Nakita niya ang isang babae na mga 60-anyos marahil. Maganda at mukhang mabait.

“Magandang hapon Mam Araceli!’’ bati ni Jeff.

“Magandang hapon naman. Maupo ka.’’Naupo si Jeff mga isang silya ang layo kay Mam Araceli.

“Ako po si Jeff, Mam Araceli.”

“Ano ang sadya mo Jeff?’’

“Pasensiya ka na po, Mam Araceli. Magtatanong lang po ako kung nagkakausap po kayo o nagkita ni Mayang?’’

“Mayang? Si Maria?’’

“Opo.’’ (Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with