PCSO, nanguna sa pagselebra ng National Day of Charity!

DAHIL sa malakas na suporta ng mga ahensiya ng gobyerno at private sector, naniwala si Philippine Charity Sweepstakes Office General Manager Mel Robles na magiging makasaysayan ang pagdiriwang ng PCSOs National Day of Charity sa October 30. Matatandaan na inisyu ni President Bongbong Marcos ang Proclamation No. 598 nitong Hunyo 13, at itinalaga ang October 30 bilang National Day of Charity, at hinirang ang PCSO bilang lead agency sa okasyon.

Sa pagpirma niya ng proklamasyon, iginiit ni BBM ang Section 9, Article 2 ng Constitution, “which mandates the promotion of a just and dynamic social order to ensure the prosperity and independence of the nation and free the people from poverty through policies that provide social services, promote full employment, improve the standard of living and quality of life for all.” Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Kaya naman sinisiguro ni Robles na magiging matagumpay ang okasyon dahil magkasamang suporta ng Supreme Court, at iba pang sangay ng ahensiya ng gobyerno sa programa ng PCSO na  tinatawag na, “Kawanggawa Para sa Kapwa.” Mismooo! Sa parte ng Kataastaasang Hukuman, inutusan nito sa pamamagitan ng Office of the Court Administrator, ang first at second level courts sa buong Pinas na aktibong sumali sa naturang kaganapan.

Ang kautusan ay bunsod ng OCA Circular No. 294-20024 na may petsang October 11, at pirmado ni Court Administrator Raul Villanueva, na nagsasabing suportahan ang selebrasyon ng National Day of Charity. Sumulat kasi sina Robles at PCSO chairman Felix Reyes sa OCA nitong September 9, kung saan hiniling nila ang todo suporta ng ahensiya para sa kanilang programa. Eh di wow!

Ayon kay Robles, ang naturang programa ay nalalayon na magbibigay inspirasyon sa mga ahensiya ng gobyerno, non-governmental organizations, civic groups at private entities upang pangunahan ang kawanggawa at positibong pagtulong sa komunidad upang guminhawa ang pamumuhay ng mga mahihirap.

Natuwa naman si Robles sabay pasalamat sa lahat ng nagbigay suporta sa proyekto.“We are thrilled to have the backing of various government offices, particularly the Supreme Court, which has recognized PCSO as the lead agency in this endeavor,” ani Robles. Ayosssss! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

 

Ang circular na inisyu ni Villanueva ay nag-tasking sa PCSO upang pangunahan ang kaganapan, koordinasyon at pangagasiwa ng pagselebra ng National Day of Charity, kasama na ang pag-alam ng malakas na programa, aktibidad, at mga proyekto para sa okasyon.

“Bagong Pilipinas, as the overarching theme of the administration’s brand of governance and leadership, calls for deep and fundamental transformations in all sectors of society and government, and visions to emphasize compassion, solidarity and social responsibility among Filipinos,” ayon sa proclamation.

Ayon kay Villanueva, ang lahat ng ahensiya ng gobyerno at iba pang instrumentalities ay nararapat lang na sumali at sumuporta sa mahalagang programa? Mismooo!

Magkakaroon ba ng gift giving sa National Day of Charity, Boss Bong Arriola? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan? Abangan!

Show comments