^

Punto Mo

Mayang (23)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HABANG palabas ng elementary school, ay binabasa ni Jeff ang address ni Mrs. Araceli na ibinigay ng principal. Nasa R. Hidalgo Street sa Quiapo nakatira si Mrs. Araceli. Gusto niyang mapuntahan si Mrs. Araceli ngayon.

Nagbalik agad sa terminal ng bus si Jeff para makahabol ng biyahe pa-Maynila. Kumain lamang siya ng tanghalian at agad na sumakay sa bus. Gusto niyang makarating sa Maynila ng alas dos ng hapon. Hahanapin niya ang bahay ni Mrs. Araceli sa Hidalgo.

Pagdating ng bus sa Buendia, agad sumakay ng dyipni na patungong Quiapo si Jeff. Pasado alas dos na ng hapon. May oras pa para maghanap sa tirahan ni Mrs. Araceli.

Pagdating sa Quiapo, nagtanong siya sa isang vendor kung saan ang R. Hidalgo St. Itinuro sa kanya ang isang kalye na ilang metro lamang ang layo sa kinatatayuan niya. Tinungo niya ang kalye.

Pagdating doon, inisa-isa niya ang number. Mababa ang nu­mero, ibig sabihin malayo pa ang number ng bahay ni Mrs. Araceli.

Nagtanong uli siya sa vendor. Isang vendor ng mais ang nakita niya.

“Kuya, alam mo ba kung saan itong number na ito?’’

Binasa ng vendor.

“A dun yan malapit sa MLQU. Lumakad ka pa.”

“Salamat Kuya.’’

Tinungo niya ang itinuro.

Nakita niya ang MLQU sa gawing kanan.

Hinanap niya ang number na nakasaad.

Nasa tapat ng MLQU ang tirahan ni Mrs. Araceli.

Tinungo niya ang apartment.  (Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with