PARA makamtan ang primary goal na “zero casualty” sa darating na midterm elections sa Central Luzon, iniutos ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang pagpaigting ng kampanya laban sa private armed groups (PAGs) sa nasabing lugar. Iginiit ni Remulla na dapat magkaroon ng proactive measures ang Police Regional Office 3 (PRO3) para masiguro ang clean and orderly elections sa Central Luzon. Kung sabagay, open secret naman ‘yan na karamihan sa mga PAGs sa Pinas ay namamalagi sa PRO3, lalo na sa Nueva Ecija, di ba mga kosa? “Our fight against private armed groups must be relentless,” ani Remulla sa kanyang kauna-unahang pagbisita sa PRO3. “I urge the Police Regional Office 3 to double their efforts to dismantle there groups that undermine peace and stability in the region. We must ensure that our communities remain safe and secure, free from the influence of these lawless elements,” ang dagdag pa ni Remulla. Mismooooo! Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
Dinalaw ni Remulla ang Central Luzon matapos ang sunud-sunod na patayan sa lugar, lalo na ang kaso ng online seller na mag-asawang Lulu. Mabuti na lang at dahil sa kasipagan at dedikasyon ng mga tauhan ni PRO3 director Brig. Gen. Redrico Maranan naaresto ang pitong suspects, kasama na ang umano’y mastermind nanagpapatay sa mag-asawa bunga sa P10 milyon na utang. Araguyyyyy! Pinuri ni Remulla si Maranan at si Pampanga police director Col. Jay Dimaandal dahil sa madaliang paglutas ng mga kasong patayan sa kanilang lugar. Maagang nakamit ng mga biktima ang hustisya, di ba mga kosa? Ano pa nga ba? “I extend my heartfelt congratulations to the hardworking men and women of Police Regional Office 3 for their diligence and quick response in capturing the suspects behind Lulu’s murder. Your efforts reflect the true spirit of public service and our commitment to uphold the rule of law,” ani Remulla. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Binigyan importansiya ni Remulla ang pag-maintain ng momentum ng mga bataan ni Maranan sa paglutas ng mga kahindikhindik na kaso para tumaas ang kumpiyansa at tiwala ng mga komunidad sa kapulisan. Ang pagbisita ni Remulla ay itinaas ang morale ng kapulisan sa PRO3, at nag-motivate ito para lalong pagbutihin nila ang pagbantay sa komunidad sa Central Luzon, lalo na’t papalapit na ang 2025 midterm elections. Ang tagubilin ni Remulla kay Maranan ay panatilihing No. 1 sa pamamalakad n’ya ang seguridad ng lahat ng kandidato at maging mga tao sa gaganaping elections. “Ang pangalawang instructions ko ay impartial, walang kakampihan ang police force sa darating na halalan,” ani Remulla. “Pangatlo ay dismantle ang lahat ng private armed groups dito sa region at ang pang 4 notorious ang region na ito sa guns for hire. I’ve gave them ang deadline bago matapos ang March dapat nakuha na lahat yan ay unable to operate anywhere in the Philippines,” aniya. Dipugaaaaa! Ang sakit sa bangs nito!
Siyempre, tinanggap ni Maranan ang hamon ni Remulla. “We stand ready to fulfill our mission of dismantling private armed groups and maintaining the peace in Central Luzon. The support and guidance from our leaders strengthen our resolve to serve and protect the people,” ayon kay Maranan. Abangan!