^

Punto Mo

Walang tamang edad para hanapin ang tagumpay

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

BATA ka man o nasa huling yugto ng iyong buhay, puwede mong ituloy ang iyong pagsisikap na makamtan ang tagumpay.  Walang imposible basta’t naroon pa rin ang nagniningas mong pagnanasa na matupad ang iyong pangarap. Narito ang listahan ng mga taong nagtagumpay nang bata pa sila o kung kailan matanda na.

1. Si Anne Frank ay 12 taon nang isulat niya ang “diary of Anne Frank”.

2. Si Magnus Carlsen ay naging chess Grandmaster edad na 13.

3. Si Nadia Com?neci isang gymnast mula Romania ay naka-score ng perfect 10 ng pitong beses at nanalo ng tatlong gold medals sa Olympics sa edad na 14.

4. Naging soccer superstar si Pele, sa edad na 17 matapos manalo ang team (Brazil) nila sa world cup noong 1958.

5. Sa edad na 19 ay naging superstar si Elvis Presley.

6. Si John Lennon ay 20 samantalang si Paul Mcartney ay 18 nang unang mag-concert ang Beatles noong 1961.

7. Naging piano virtuoso si Beethoven sa edad na 23.

8. Isinulat ni Isaac Newton ang Philosophiæ Naturalis Principia Mathematica sa edad na 24.

9. Si John F. Kennedy ay 43 nang naging President of the United States

10. Si Henry Ford ay 45 nang maimbento niya ang first automobile na tinawag na Ford T.

11.Si Suzanne Collins ay 46 nang maisulat niya ang novel series na “The Hunger Games”

12. Si Charles Darwin ay 50 nang inilabas niya ang librong On the Origin of Species.

13.Si Leonardo Da Vinci ay 51 nang nilikha niya ang obrang “Mona Lisa”.

14. Naging US President si Abraham Lincoln sa edad na 52.

15. Si Colonel Harland Sanders ay 61 nang itinayo niya ang KFC.

16. Si J.R.R Tolkien ay 62 nang ilabas ang kanyang librong Lord of the Ring.

17. Nang maging US President si Ronald Reagan ay 69.

18. Si Nelson Mandela ay 76 nang mahalal na Presidente ng South Africa.

“Age is an issue of mind over matter. If you don’t mind, it doesn’t matter.” – Mark Twain

SUCCESS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with