^

Punto Mo

‘Pako’ (11)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

MULA sa tirahan namin sa may Abad Santos ay maglalakad ako patungong Recto at sasakay ng dyipni patungong Morayta kung saan naroon ang unibersidad. Pinaghusayan ko ang pag-aaral para naman hindi masa­yang ang perang ginagastos sa akin nina Tatay Kiko at Nanay Angela. Naipangako ko sa kanila na kapag nakatapos ako sa pag-aaral at nakakita ng trabaho, hahanguin ko sila sa hirap.

Kapag Sabado at Linggo ay tumutulong ako sa karinderya. Ako ang ­nagluluto. Marami pa rin kaming customer na pawang trabahador at empleyado sa Divisoria.

Kapag maaga akong lumalabas sa school ay deretso ako sa karinderya at tinutulungan ko sina Tatay Kiko at Nanay Angela. Pero sinasabihan ako ng mag-asawa na umuwi na ako at mag-aral ng aking lesson. Sila na lamang daw sa karinderya.

Lumipas ang apat na taon at nakatapos ako ng Acconting na may karangalan. Nagrebyu ako para sa CPA board at hindi ko akalain na napasama ako sa top ten.

Umiyak ang mag-asawa sa magandang balita na iyon.

Kasunod niyon, natanggap ako sa isang malaking accounting firm. (Itutuloy)

SPIKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with