^

Punto Mo

Lalaki na sabay-sabay inilakad ang 38 aso, nakatanggap ng Guinness World Record!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG dog lover mula sa Canada ang nakapagtala ng world record sa pamamagitan ng paglalakad ng higit sa kalaha­ting milya habang sabay-sabay na hawak ang tali ng 38 aso!

Pinangunahan ni Mitchell Rudy ang grupo ng 38 aso sa isang paglalakad na may layo na .6 miles upang ma-break ang Guinness World Record para sa titulong “Most Dogs Walked Simultaneously by an Individual”.

Naganap ang record attempt ni Rudy sa Goesan, South Korea. Ang 38 asong lumahok ay mula sa Korean K9 Rescue shelter.

“Ang mga asong ito ay ni-rescue mula sa isang puppy farm at ang iba naman ay mula sa mga lugar kung saan pinagtangkaan silang kainin,” sinabi ni Rudy sa Guinness World Records. “Ang mga asong ito ay nailigtas ng Korean K9 Rescue shelter. Maraming negatibong pananaw tungkol sa mga rescue dogs. Sila ay karapat-dapat magkaroon ng tahanan, kailangan lang nila ng taong magmamahal sa kanila nang lubusan.”

Sinabi ni Rudy na ang kanyang record attempt ay naglalayong isulong ang pag-aampon ng rescue dogs.

GUINNESS WORLD RECORD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with