• Ang hindi marunong tumanggap ng pananagutan ay ibinabalik ang sisi sa ibang tao.
• Kapag kulang sa communication skills, pinagbibintangan niya na nakikipagtalo sa kanya ang kausap kahit nagpapaliwanag lang ito.
• Kung mababa ang kanyang Emotional Intelligence, pinagbibintangan nilang sensitive lang kasi ang kanyang kausap.
• Kung wala siyang self-awareness, ‘yung bulag siya sa kanyang mga kapalpakan, magaling siyang pumuna ng kamalian ng kanyang kalaban.
• Kung siya ay ubod ng sinungaling, binabaluktot niya ang katotohanan upang magmukha siyang bida at mabuti sa kanyang kuwento.
• Ang taong walang pagpapahalaga sa kanyang integridad ay pilit na binibigyan ng katwiran ang kanyang ginawang mali.
• Layuan mo ang mga kamag-anak na nang-aapi sa nanay mo dahil malaki ang tsansa na ayaw din nila sa iyo.
• Kung minamaliit ng isang tao ang iyong talino, kasi hindi mo sinasadyang ipamukha sa kanya na bobo siya.
• Kung pinipintasan niya ang iyong physical appearance, naiinggit siya sa ganda mo.
• Kung tamad ang pinakasalan, Labor Day araw-araw.
• Kung mayaman ang pinakasalan, feeling mo’y laging New Year’s Day.
• Kung cheater o liar ang nasuwertehan mong pakasalan, araw-araw ay parang April Fool’s Day.
• Ngunit kung si Mr. or Miss Right ang natagpuan, lagi kang nagseselebreyt ng Valentine’s Day.