^

Punto Mo

Life tips

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Ang hindi marunong tumanggap ng pananagutan ay ibinabalik ang sisi sa ibang tao.

• Kapag kulang sa communication skills, pinagbibintangan niya na nakikipagtalo sa kanya  ang kausap kahit nagpapaliwanag lang ito.

• Kung mababa ang kanyang Emotional Intelligence, pinagbibintangan nilang sensitive lang kasi ang kanyang kausap.

• Kung wala siyang self-awareness, ‘yung bulag siya sa kanyang mga kapalpakan, magaling siyang pumuna ng kamalian ng kanyang kalaban.

• Kung siya ay ubod ng sinungaling, binabaluktot niya ang katotohanan upang magmukha siyang bida at mabuti sa kanyang kuwento.

• Ang taong walang pagpapahalaga sa kanyang integridad ay pilit na binibigyan ng katwiran ang kanyang ginawang mali.

• Layuan mo ang mga kamag-anak na nang-aapi sa nanay mo dahil malaki ang tsansa na ayaw din nila sa iyo.

• Kung minamaliit ng isang tao ang iyong talino, kasi hindi mo sinasadyang ipamukha sa kanya na bobo siya.

• Kung pinipintasan niya ang iyong physical appearance, naiinggit siya sa ganda mo.

• Kung tamad ang pinakasalan, Labor Day araw-araw.

• Kung mayaman ang pinakasalan,  feeling mo’y laging New Year’s Day.

• Kung cheater o liar ang nasuwertehan mong pakasalan, araw-araw ay parang April Fool’s Day.

• Ngunit kung si Mr. or Miss Right ang natagpuan, lagi kang nagseselebreyt ng Valentine’s Day.

LABOR DAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with