^

Punto Mo

Mayang (20)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

Malungkot si Jeff habang papalayo sa apartment ni Puri. Wala rin pala itong nalalaman sa ­kinaroroonan ni Mayang. Ang huling pag-uusap daw nila ay noon pang nasa Dubai siya. Tinawagan daw siya ni Mayang.

Pitong taon na rin daw na hindi niya nakikita at nakakausap si Mayang.

Totoo kaya yun?

Baka naman hindi nagsasabi ng totoo si Puri?

Baka nakikisimpatya kay Mayang dahil sa ginawa niyang pag-iwan dito na walang paalam.

Matalik na magkaibigan ang dalawa at posibleng napakiusapan ni Mayang si Puri na kahit ano ang mangyari, huwag sasabihin ang ­kinaroroonan.

Habang naglalakad ay binibilang niya ang araw na natitira sa kanyang bakasyon. Dalawang buwan ang binigay sa kanyang bakasyon ng kompanya at puwede pang i-extend basta ipaalam nang advance. Mabait sa kanya ang manager ng kompanya kaya nakahingi siya ng dalawang buwang bakasyon. Mabilis na naaprubahan ang kanyang bakasyon dahil pitong taon siyang hindi umuwi.

Habang naglalakad, sinabi ni Jeff sa sarili na hindi siya babalik sa New Zealand hangga’t hindi niya nakikita si Mayang.

Nang umuwi siya sa condo unit, nagpahinga lang si Jeff at pagkatapos ay nag-isip ng paraan kung paano niya makikita si Mayang.

Pilit niyang inaalala ang mga taong posibleng nakaaalam ng kinaroroonan ni Mayang.

Isa sa naalala niya ay ang dating guro ni Mayang sa high school—si Mrs. Araceli. Hinanap niya sa FB si Mrs. Araceli.

Maraming lumabas na Araceli.

Hanggang may makita siya na tumutugma sa katauhan ni Mrs. Araceli.

(Itutuloy)

vuukle comment

MAYANG

PURI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with