^

Punto Mo

Mayang (19)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

UMIYAK si Jeff.

“Tulungan mo ako Puri na makita si Mayang. Gusto kong humingi ng tawad sa kanya at gusto ko ring ituloy ang aming nasimulan. Marami na akong naipon sa pagtatrabaho sa New Zealand at kaya ko nang bigyan nang maginhawang buhay si Mayang. Hindi ko na siya iiwan kahit kailan. Mahal na mahal ko si Mayang, Puri,’’ sabi ni Jeff na punumpuno ng pagsisisi.

Nakatingin lamang si Puri kay Jeff.

“Parang awa mo na Puri! Parang awa mo na!”

“Wala akong alam sa ­kinaroroonan ni Mayang, Jeff. Gaya nang nasabi ko sa’yo ang huling pag-uusap namin ay noon pang nasa Dubai ako. Iyon ay nung sabihin niya na hindi na matutuloy ang kanyang kasal. Mula nun, hindi na kami nagkausap.”

“Ibig sabihin sa tagal ng panahong iyon ay wala kang balita kay Mayang.’’
“Oo. Wala akong alam kung ano na ang nangyari sa kanya. Hindi ko maimadyin kung ano na ang hitsura niya ngayon.’’

Nanlumo si Jeff.

Kung gaano katagal niyang hindi nakita si Mayang, ganundin katagal si Puri. Wala pala itong alam kay Mayang.

“Sori Jeff. Talagang wala akong masasabi kung nasaan si Mayang. Halos pitong taon din kaming hindi nagkikita. Hindi ko na nga alam ang itsura niya.’’

Napatungo si Jeff.

Talagang walang alam si Puri.

“Salamat Puri. Aalis na ako.’’

“Sori uli, Jeff.’’

“Okey lang Puri.”

Hahakbang na para lumabas si Jeff nang may maalala.

“Puwede ko bang mahingi ang cell number mo, Puri?’’

“Sure.”

Ibinigay ni Puri ang CP number niya kay Jeff.

Pagkatapos ay lumabas na si Jeff. Bagsak ang balikat nang maglakad palayo sa apartment ni Puri.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with