Lalaki sa U.S., nanalo sa contest nang makapagpatubo ng higanteng kalabasana may bigat na mahigit 1,000 kilos!

ISANG lalaki mula Minnesota, USA ang nanalo sa Safeway World Championship Pumpkin Weigh-Off dahil sa kanyang higanteng 1,120 kilos na kalabasa na pinangalanan niyang “Rudy”.

Si Travis Gienger ay bumiyahe kasama ang kanyang napakalaking ­kalabasa patungo sa kompetisyon sa Half Moon Bay, Calif., kung saan ito inilagay sa isang napakalaking timba­ngan at itinanghal na pinakamabigat sa lahat.

Ito ang ikaapat na pagka­panalo ni Gienger sa pinakamataas na puwesto sa Safeway World Championship ­Pum­pkin Weigh-Off.

Noong 2023, ang 1,246 kilos na kalabasa ni Gienger na pinangalanan niyang “Michael Jordan” ang nanalo ng first prize, at itinanghal din bilang Guinness World Record para sa titulong “Heaviest Pumpkin”.

Show comments