Mga dapat tandaan kapag hinuhusgahan ka ng iba

1. Hindi mo sila mapipigil sa kanilang panghuhusga kaya i-focus mo na lang ang iyong energy sa pagpapaunlad ng iyong sarili. Para next time na magaganda na ang nangyayari sa iyong buhay ay lalo silang “mamatay” sa inggit.

2. Kung ano ang lumalabas na pamimintas sa bibig ng naghuhusga, sarili pala niya ang inilalarawan niya. So remember: It’s not about you, it’s about them.

3. Hindi mo sila kailangang kumbinsihin para tanggapin nila ang iyong sitwasyon. Ang importante ay malinaw sa iyo ang lahat at tanggap mo ito.

 4. Nothing lasts forever. Magsasawa rin sila sa kakatsismis tungkol sa iyo. Magsasawa  sila at mamamatay din ang isyu tungkol sa iyo. At mamamatay din ang mga tsismosa.

5. Hindi talaga maiiwasan ang panghuhusga ng ibang tao. Kasama na iyan sa pag-ikot ng mundo. Tanggapin mo na lang. Kasi mas ipinapakita mong apektado ka sa kanilang mga sinasabi, mas pinasasaya mo sila.

Sometimes, people can be extraordinarily judgmental and closed-minded to anyone different or special, which is why it’s so hard for young people in this day and age to be comfortable enough in their own skin to not listen to the people picking on them. Ariana Grande
 

Show comments