‘Pako’

(Part 8)

ISANG karinderya na nasa isang eskinita at malapit lamang sa isang mall ang tinungo namin.

Naabutan namin ang isang lalaki na siguro’y 55-anyos at isang babae na 50-anyos ang abala sa pagsisilbi sa mga kumakain.

Ipinakilala ako ni Joe sa lalaki.

“Tatay Kiko si Ramon kababayan ko.’’

Nginitian ako ni Tatay Kiko.

“Kakain ba kayo?’’

“Opo Tatay Kiko,’’ sagot ni Joe.

“Sige piliti kayo ng ulam.’’

Pumili kami.

Sinandukan kami ni Tatay Kiko.

Kumain kami. Masarap ang luto. Kaya siguro maraming customer.

Pagkatapos naming kumain, binayaran ni Joe ang kinain namin.

At saka sinabi nito kay Tatay Joe ang tungkol sa akin. Baka may alam na maaring pasukan ng trabaho.

“Marunong ka bang maghugas ng plato?’’ tanong sa akin.

“Opo.’’

“Sige ikaw na ang dishwasher dito.”

(Itutuloy)

Show comments