Textile company sa China, gumawa nang pinakamalaking pantalon sa buong mundo!

ISANG textile company sa China ang nakipag-collaborate sa 30 garment makers upang makapagtala ng Guinness World Record para sa titulong “Largest Pair of Jeans”.

Ang 30 garment makers kasama ang kompanyang ­Yixing Textile Co. ay inabot ng 18 days upang mabuo ang pinakamalaking pantalon na may sukat na 250 feet and 5 inches ang haba, at may baywang na 190 feet at 10 inches ang circumference.

Ang maong ay gawa sa 18,044 feet ng telang denim, 25 feet at 59 inches ng zipper, at may 3 feet at 94 inches na stainless steel button

Ang napakalaking pantalon ay may kabuuang bigat na 3,599 kilos.

Show comments