^

Punto Mo

Mayang (17)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“NANG huli kaming magkausap ni Maria o ni Mayang ay nung nasa Dubai pa. Ang alam ko, malapit na kayong umuwi sa Pinas nun. Finished contract na si Mayang. At nasabi niya sa akin na nangako ka raw na hindi na magha­hanap pa ng ibang trabaho sa abroad at tatapusin na lang kontrata sa Dubai nga,’’ sabi ni Puri na halatang nalungkot.

“Sinabi ko nga sa kanya yun pero…’’

“Hindi mo tinupad?’’

“Para rin kay Mayang kaya ko pinilit makapag-New Zealand. Kung sa trabaho ko lang sa Dubai, hindi kami aasenso.’’

“Sana hindi ka nangako sa kanya. Malaki pa naman ang tiwala sa iyo ni Maria—ni Mayang. Lagi ka niyang pinagmamalaki sa akin. Sabi pa niya, pag-uwi n’yo sa Pilipinas ay magpapakasal kayo. Talagang tinapos niya ang kontrata alang-alang sa napag-usapan ninyo.’’

Hindi makapagsalita si Jeff. Nakokonsensiya siya. Parang sinasaksak ng patalim ang puso niya.

“Ang usapan nga namin ni Mayang ay uuwi ako dahil isa ako sa bridesmaid. Pero makaraan ang isang buwan mula nang makaalis kayo sa Dubai, tinawagan niya ako at sinabing hindi na matutuloy ang kasal.’’
Hindi pa rin makapagsalita si Jeff. Parang natutunaw siya.

Ang laki ng kasalanan niya kay Mayang! (Itutuloy)

vuukle comment

MAYANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with