MAHIGIT 60 percent ng homeowners sa United States ang naniniwalang haunted house ang kanilang bahay, ayon sa isang bagong survey.
Ayon sa Angi, isang home service provider, natuklasan nila sa kanilang survey na 65 percent ng American homeowners ay naniniwalang maaaring may multo sa kanilang tahanan.
Sa isang libong homeowners na sinurvey, higit sa 65 percent ang nagsabing may experience sila ng mga hindi maipaliwanag na pangyayari sa kanilang bahay.
Mga 31 percent naman ang nagsabi na may mga hindi maipaliwanag na tunog na nagmumula sa kanilang mga dingding, 30 percent ang nag-ulat ng pag-crack ng mga sahig, at 24 percent ang nakarinig ng mga hindi maipaliwanag na yabag.
Mga 13 percent ng mga sumagot ang nagsabing nakakita o nakarinig sila ng toilet na nag-flush ng mag-isa. Gayunpaman, binanggit ng Angi na may isang phenomenon na tinatawag na “ghost flushing” kung saan ang mga toilet ay nag-flush ng mag-isa dahil sa tagas ng toilet.
Halos 20 percent ng mga may-ari ng bahay na sinurbey ang nagsabing natatakot sila sa isa o higit pang bahagi ng kanilang bahay, gaya ng kanilang basement o attic. Halos 60 percent ang nagsabing ayaw nilang maiwang mag-isa sa bahay.
Gayunpaman, 58 percent ng mga sinurbey ang nagsabing kakayanin nilang manirahan sa isang haunted house kung mura nila itong mabibili.