BINIGYAN-DIIN ni NCRPO chief Maj. Gen. Sidney Hernia ang pagpapairal ng innovation at teamwork sa pakikibaka laban sa kriminalidad, droga at iba pang problema sa Metro Manila. Sinisiguro rin niya na hindi pababayaan ang health at welfare ng NCRPOs 23,000 cops.
Sa kanyang kauna-unahang flag raising ceremony sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City, iginiit ni Hernia na ipagpapatuloy niya ang mga programa at polisiya na ipinatupad ng kanyang classmate na si Maj. Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez at itong bagong dineklara niyang alituntunin ay pandagdag lang.
Si Nartatez ay No. man na ng PNP. Kasabay sa flag-raising ay ang awarding ceremony sa deserving NCRPO personnel. Sa kanyang talumpati, pinuri ni Hernia ang exemplary services ng awardees na malaki ang naitulong sa tagumpay ng NCRPO. Ayon kay Hernia, lahat ng pulis, kahit anuman ang ranggo, ay may critical role para makamtan nila ang kanilang goals Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Sa pag-assume niya ng trono ng NCRPO ng nakaraang linggo, ipinagbawal ni Hernia ang pagsusuot ng jacket, lalo na ‘yung naka-motor sa pagreport sa duty o pag-uwi sa kanilang bahay. Binigyan importansiya ni Hernia ang pagsuot ng proper uniforms upang isulong din ang programang police visibility, at sa gayon ay maiwasan ang krimen sa kalsada.
Sino ba namang kriminal ang titira kung makitang nasa tabi o paligid niya ay may pulis? Kapag nakasuot kasi ng jacket ang pulis, hindi sila mapapansin ng kriminal at walang preno na sa gagawin nilang kawalanghiyaan. Get’s n’yo mga kosa?
Subalit inulan ng reklamo ang kautusan ni Hernia. Ano pa ba ang bago riyan? Puro reklamador naman tayong mga Pinoy. Ang contention ng mga reklamador na pulis ay shield nila sa sakit, maging tag-araw man o tag-ulan, ang kanilang jacket. May punto rin sila, ‘no mga kosa?
Bilang win-win solution naman si Hernia. Ito ay ang pag-isyu ng light jackets sa NCRPO personnel, para siguruhin ang kanilang comfort at protection tuwing field duties. O hayan! May reklamo pa ba kayo mga kosa ko sa NCPRO? Sanamagan! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Teka, may pandugtong pa pala si Hernia patungkol sa personnel welfare, lalo na ‘yung nagsusuot ng proper uniforms. Kapag nasa tamang uniporme ka, hindi lang ito nakatutulong sa police visibility kundi para mapadali rin ang access ng mga pulis sa tinatawag na medical benefits at assistance tuwing emergency situations, tulad ng aksidente. Eh di wow!
Kapag naka-uniporme ang pulis, madali silang makilala at madaliang mabibigyan ng medical benefits, na hindi na maabala pa ang kanilang pamilya. Abayyy, saan ka pa? Ang kapakanan ng mga pulis pala ang naisipan ng bagong NCRPO chief. Dipugaaa! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!
Pagdating naman sa innovation, nais ni Hernia na ipatupad ang Law Enforcement Reporting Information System (LERIS), na ang layunin ay pagbutihin ang response time at pagandahin ang operational efficiency ng NCRPO. Sanamagan!
“LERIS would streamline the management of reports and incidents, allowing officers to respond more swiftly and accurately,” ani Hernia. Ilalatag din niya ang Electronic Daily Accounting of Personnel para subaybayan at i-monitor ang lahat ng lakad ng mga pulis. Abangan!