Mayang (16)

HINDI agad nakasagot si Puri sa tanong ni Jeff kung may nalalaman ito sa kinaroroonan ni Mayang.

Maya-maya tinanong si Jeff.

“Ano ngang name mo?’’

“Jeffrey—Jeff na lang.’’

“Ah, oo ikaw yung sinabi sa akin ni Maria noon. Bago pa lang kayo nun.”

“Ikinuwento ako ni Mayang sa iyo, Puri?”

“Oo. Magkasama kami sa trabaho. Lahat ng problema niya sinasabi sa akin.’’

Nabuhayan ng loob si Jeff.

“Kung ganun, may alam ka kung nasaan si Mayang?’’

Napabuntunghininga si Puri.

“Halika. Dito tayo sa loob mag-usap,’’ anyaya ni Puri.

Binuksan ni Puri nang maluwang ang pinto.

Pumasok si Jeff.

Malinis ang salas. Makintab ang sahig na tiles. May mala­king sopa at malaking flat screen TV.

“Maupo ka, Jeff.’’

Naupo si Jeff.

“Kailan ka pa umuwi Jeff?’’

“Kararating ko lang Puri—galing New Zealand.’’

“New Zealand? Di ba nasa Dubai ka?”

“Nag-New Zealand na ako.’’

Napailing-iling si Puri.

Parang hindi makapaniwala.

“Bakit Puri?’’

(Itutuloy)

Show comments