‘Pako’

(Part 6)

HABANG nasa biyahe ay nagkukuwentuhan kami ni Joe. Nakasalampak kami sa gitnang bahagi ng truck. May sapin na sakong plastic.

“Nagsabi ka ba sa amo mong Intsik na luluwas ng Maynila, Ramon?’’

“Hindi Joe. Hindi ako papayagan nun. Kung hindi ko gagawin ito, habambuhay na lang akong alila ng Intsik na yun at asawa niyang matapobre.’’

“Sabagay. Kung ako ang nasa kalagayan mo, ganyan din ang gagawin ko.’’

“Hindi ko na kaya ang ginagawa sa akin, Joe. Kaunting pagkakamali, minumura ako at pinarurusahan. At ang matindi pa, hindi ako pinakakain.’’

“Hayop ang Intsik na yun!’’

“Oo, Joe. Aping-api ako.’’

“Ano ba ang trabaho mo roon?’’

“Taga-supot ng pako. Kapag nakatapos magsupot, isa-isa kong pipilian ang mga pako. Kailangan magkaka-size ang nasa lalagyan. Kapag may isang napahalo, mumurahin ako.’’

“Grabe!’’

“Kaya, tala­gang nagdesisyon na ako na tumakas, Joe.’’

“Sige tama yan, Ramon. Ha­nga ako sa’yo.”

Makaraan ang walong oras na biyahe, nakarating kami sa Maynila.

(Itutuloy)

Show comments