Pinakamaliit na washing machine, kasing laki ng kahon ng posporo!

ISANG lalaki sa India ang ipinakita ang kanyang husay sa miniature engineering sa pamamagitan ng paggawa ng pinakamaliit na washing machine sa buong mundo, na may sukat na 1.28 inches x 1.32 inches x 1.52 inches.

Kinumpirma ng Guinness World Records na ang washing machine ni Sebin Saji, ang pinakamaliit sa mundo. Para maging kuwalipikado sa record, kinailangang patunayan ni Saji na gumagana ang kanyang washing machine at kaya nitong mag­patakbo ng buong cycle, ang paghuhugas, pagbabanlaw at pag-ikot.

Ang washing machine, na kailangan pang sukatin ni Saji gamit ang espesyal na digital calipers, ay tumitimbang lamang ng .88 ounces na halos kasing bigat lang ng dalawang Oreo cookies.

Show comments